Mahigit P1.7M na tulong pang-agrikultura ang ipinamahagi ng Department of Agriculture- Cordillera sa magsasaka sa lalawigan ng Kalinga.

Ang mga benepisaryo ay miyembro ng 18 Farmer Cooperatives and Associations (FCAs) sa lalawigan na nakatanggap ng iba’t ibang agricultural interventions.

Bukod sa iba pang kagamitan kabilang sa mga tulong na ibinigay ang water pumps, multi-cultivators, at power sprayers sa mga corn farmers ng nasabing bayan

Kasabay ng pamamahagi ng tukong ay pinaalalahanan ni DA-Cordillera Regional Technical Director for Operations Danilo Daguio ang mandato ng ahensya sa food security at sufficiency, kaya’t ang mga interbensyon na ibinigay ay naglalayong tiyakin ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa.

Hinikayat niya rin ang mga magsasaka na gamitin ang clustering at consolidation strategy upang mapataas ang kanilang kabuuang produktibidad at kita.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Governor James Edduba sa DA at sa Provincial Agriculture Office para sa suporta sa pagpapaunlad ng agrikultura sa Kalinga.

Bukod sa pagiging “rice granary of the Cordillera,” isa rin ang Kalinga sa mga pangunahing tagapag-produce ng mais sa rehiyon at bahagi rin ng “Corn Corridor of the Cordilleras” kasama ang Mountain Province