Price hike na naman ang inaasahang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa unang Martes ng Agosto.

Matapos ang apat na araw na trading, umento ang inaasahan sa tatlong oil products.

Sa gasolina, mayroong inaasahang dagdag mula P1.50 hanggang P1.70 kada litro.

Mayroon namang P0.80 hanggang P1.00 na inaasahang price hike sa kada litro ng diesel; habang P0.70 hanggang P0.90 ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ilan sa mga tinitingnang dahilan nito ay ang pagtaas pa rin ng demand; at pati na rin ang sanction ng Amerika sa Russia at Iranian oil.

-- ADVERTISEMENT --

Ngayong araw ng Sabado, ilalabas ang final estimates.

Lunes naman ia-anunsyo ang official price adjustment, at magiging epektibo ito sa araw ng Martes.