Sinunog ng Joint Task Group Peace and Justice ang 14 na taniman ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P103 milyon sa tatlong araw na operasyon sa Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Lt. Gen. Ernesto Torres Jr. ang commander ng Northern Luzon Command, isinagawa ang marijuana eradication sa Brgy Tulgao East at Mt. Chumanchil, Brgy Loccong at sinunog ang 485,900 fully grown marijuana plants, 72,000 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana at 5,000 grams ng marijuana seeds.

Ayon naman kay Joint Task group Brig. Gen. Santiago Enginco na tig-anim na marijuana plantation ang nadiskubre sa barangay Tulgao at Loccong habang dalawa naman sa Butbut.

Sa kabuuan, nasa 45,500 sqm ang land area nito na may kabuuang halaga na P103.3 milyon ang halaga ng sinunog na marijuana.

Pinuri naman ng liderato ng NOLCOM ang pakikipagtulungan ng tropa sa hangarin ng pamahalaan na matunton ang mga marijuana plantation sa bulubunduking bahagi ng Tinglayan at matuldukan ang mga transaksyon ng illegal na droga at paggamit nito.

-- ADVERTISEMENT --