Umabot na sa higit P6.6M ang inisyal na pinsalang dulot ng patuloy na pag-ulan mula sa palay at livestock sa probinsya ng Cagayan dahil sa epekto ng northeasterly surfece wind.

Ayon kay Roberto Busania ng DA Region 2, ang initial damages sa palayan ay umaabot na sa higit P4.9M kung saan apektado ang nasa 890 hectares ng mga pananim na nasa maturity stage habang 348 hectares naman ang nasa reproductive stage.

Ang mga bayan na apektado rito ay kinabibilangan ng Claveria, Buguey, Sta. Praxedes, Baggao at Penablanca.

Sa bayan ng Baggao ay naitala din ang pinsalang iniwan ng pag-ulan sa livestock na nagkakahalaga ng higit P1.6M at ito ay kinabibilangan ng mga namatay na 20 Kalabaw, 25 baboy at 100 manok.

Sinabi ni Busania na sa ngayon ay hindi pa pinal ang nasabing datos at maaari pang madagdagan dahil wala pang naisusumiti sa kanilang pinsala sa maisan at imprastraktura.

-- ADVERTISEMENT --

samantala, tiniyak nito na may sapat na buffer stocks o tulong na nakaantabay para umagapay sa mga magsasakang labis na naapektohan ng kalamidad.

Sa ngayon ay pinaiigting na ng DA ang kanilang ginagawang mga interventions upang makapagtayo ng karagdagang mga pasilidad na makatutulong sa ganitong uri ng sakuna tulad ng mga mechanical driers at makapagbigay ng mga farm machineries sa panahon ng pagtatanim na pangangasiwaan ng mga Farmers Cooperative Associations.

Samantala, inihayag ni Busania na kasabay ng pagatatapos ng dry season ngayong Abril, ang status ng mga pananim na palay sa rehiyon ay nasa mahigit 1,000 hectares pa ang nasa reproductive stage habang ang mga nasa maturity naman ay umaabot sa mahigit 10, 000 hectares.