Hindi haharangin ng Malacañang ang hinihinging asylum ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa The Netherlands.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na aaksyon lang ang Palasyo sakaling may isampa nang kaso, at kung may ihahaing warrant of arrest laban kay Roque.

Kasabay niyan, hinimok ng Malacañang ang dating tagapsalita na sarili muna niya ang ipagtanggol, bago ang ibang tao.

Ito ay kasunod ng sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi makakasama si Roque sa defense team ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang una nang sinabi ng Palasyo na tila malabong dinggin ang hiling na asylum.

-- ADVERTISEMENT --