Natuklasan sa isang ulat na ang mga glacier sa Himalayan na pinagkukunan ng malinis na tubig para sa halos dalawang bilyong tao ay natutunaw nang dalawang beses na mas mabilis kumpara noong 2000.

Ayon sa International Centre for Integrated Mountain Development (ICIMOD) sa Kathmandu, ang Hindu Kush-Himalayan range na umaabot mula Afghanistan hanggang Myanmar ay may pinakamalaking reserba ng yelo at niyebe sa labas ng Arctic at Antarctica.

Pinagmumulan din ito ng hindi bababa sa 10 pangunahing ilog sa Asia na kritikal sa seguridad ng tubig, pagkain, at enerhiya sa kontinente.

Ngunit tinatayang isang katlo ng yelo sa rehiyon ay nasa mga lugar na labis na apektado ng mabilis na pag-init ng mundo.

Batay sa dalawang pag-aaral, ang average rate ng pagkawala ng yelo ay tumaas mula 34 sentimetro kada taon bago ang 2000, sa 73 sentimetro kada taon mula noon.

-- ADVERTISEMENT --

Binabala ng ulat na ang mabilis na pagtunaw ng mga glacier ay maaaring magdulot ng malawakang kakulangan sa tubig, pagbaha, at panganib sa agrikultura at enerhiya para sa milyun-milyong tao sa Asia.