Personal na ininspeksiyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang hindi pa tapos na flyover project sa Barangay Malabog, Daraga, Albay.

Layunin ng proyekto na maibsan ang matinding trapiko sa Maharlika Highway, lalo na para sa mga pasaherong galing sa Bicol International Airport.

Gayunman, mula pa noong 2021 ay hindi pa rin ito natatapos.

Ayon kay Dizon, isasailalim muli sa bidding ngayong buwan ang proyekto matapos i-terminate ang kontrata ng dating contractor na Alpha Omega Construction ng mga Discaya.

Dagdag pa ng DPWH secretary, target na matapos ang flyover sa taong 2027, bagama’t umaasa siyang mas mapapaaga pa ito.

-- ADVERTISEMENT --