TUGUEGARAO CITY-Inatasan ni Acting Mayor Bienvenido De Guzman ang City Environment and Natural Resources (CENRO)-Tuguegarao na magsagawa ng information dissemination ukol sa bagong schedule nang pangongolekta ng basura sa lungsod na magsisimula ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon kay De Guzman, ito ay para magkaroon ng sapat na kaalaman ang publiko lalo na ang mga mamamayan ng Tuguegarao kaugnay sa hindi pangongolekta ng basura sa tuwing araw ng Linggo.

Aniya, ito ay para walang rason ang mga mamamayan sa hindi pangongolekta ng basura sa tuwing araw ng Linggo.

Una rito ay ipinagbigay alam ng Local Government Unit(LGU)-Tuguegarao na hindi mangongolekta ang mga waste collector o basurero ng basura sa araw ng Linggo.

Ito ay para magkaroon din sila ng pahinga at makasama ang kanilang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa una nang naging pahayag ni Atty. Noel mora, Head ng CENRO-Tuguegarao, dapat pagdating ng araw ng Sabado ay nailabas ang kanilang mga basura para makolekta.

Kailangan din aniya na huwag ilabas ang mga hindi naitapong basura sa araw ng linggo para hindi magkalat sa mga kalsada sa lungsod.