TUGUEGARAO CITY-Patuloy umano ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa HIV sa bansa.
Sinabi ni Michael Tagueg,HI/AIDS coordinator ng Department of Health Region 2 na sa pinakahuling datus,38 kadaw araw ang nagpopositibo sa Hiv kumpara sa 32 nitong 2018.
Ayon kay Tagueg,sa kabuuan ay umaabot na sa 64,291 ang may HIV sa bansa buhat nang magkaroon ng nasabing sakit dito noong 1984.
Sinabi niya na hindi pa kabilang dito ang mga posibleng may HIV na hindi pa sumasailalim sa screening.
90 percent sa nasabing bilang ay mga lalaki habang ang age bracket ng mga
may HIV ay 25 hanggang 34.
Idinagdag pa ni Tagueg na ang Pilipinas ang nangunguna sa Southeast Asia na may mabilis ang pagtaas ng kaso ng HIV.
Aniya,nakakalungkot man ito ngunit ang positibong aspeto nito ay nangangahulugan na tumataas ang awareness ng publiko sa HIV at marami na rin ang nakikita ang kahalagahan ng HIV testing.