Tugeugarao City- Patuloy na hinihikayat ng Department of Health ang publiko na tangkilikin ang paggamit ng condom bilang proteksyon at tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus Acquired Immuno-Deficiency Syndrome HIV-AIDS sa rehiyon.

Sa datos ng ahensya, mula taong 1980’s, sumampa na sa 1,165 ang naitalang kaso ng HIV sa rehiyon.

Karamihan umano sa naitalang kaso ng sakit ay mga kalalakihan na nakikipagtalik sa kapwa lalake, kabilang na ang mga commercial sex worker at relation-based na pakikipagtalik.

Ayon kay Dr. Janet Ibay, kailangan ang pagbibigay ng tamang impormsyon sa publiko kaugnay sa tama at maayos na paggamit ng condom sa hanay ng kalalakihan dahil sa ito ang tanging paraan upang mapigilan ang pag-angat ng HIV.

Ipinunto niya ang kahalagahan ng pagiging tapat sa karelasyon at iwasan ang pakikipagtakik sa iba na isa rin sa posibleng dahilan ng mabilis na transmission ng virus.

-- ADVERTISEMENT --

Inihayag pa ni Ibay na marami pa rin sa ngayon ang nahihiyang magpasuri kaya’t hindi agad natutukoy ang mga taong may HIV infection lalo na sa panig ng mga kalalakihan na nahihiyang ilabas ang kanilang sexual history.

Bahagi pa ng hakbang ng kagawaran upang tugunan ang sa nasabing usapin sa gitna ng pandemya ay naglunsad sila ng community testing kung saan maaaring magpasuri ang isang indibidwal at ito ay sa tulong na rin ng mga volunteers at mga HIV motivators.

Sa pamamagitan aniya nito ay hindi mahihirapan ang mga probable HIV patients upang pumunta at magsuri sa mga testing center.