Pinili ng isang hockey player na putulin ang bahagi ng kanyang daliri upang makalahok siya sa Paris Olympics.
Nabali ang bahagi ng kanang daliri ni Australian Matt Dawson, 30 anyos, nang tamaan siya ng hockey stick sa kanyang pagsasanay sa Perth dalawang linggo ang nakalipas.
Sinabi ng mga doktor na aabutin ng apat hanggang anim na linggo bago humilom ang kanyang injury, ibig sabihin, hindi siya makakalaro sa Paris, France.
Dahil sa pagnanais niya na malakaro sa Paris ay mas pinili niya na putulin na lang ang bahagi ng kanyang daliri na nabali.
Si Dawson ay nasa defence para sa Australian hockey team.
Tinanggal ng doktor ang halos isang pulgada sa dulo ng kanyang kalingkingan sa kanyang kanang kamay.
Nasa Paris na si Dawson para sa kanyang ikatlong Olympics sa Kookaburras.