
Nagpaalala ang isang financial adviser na hindi dapat gawing dahilan ang holiday season para gumastos nang walang plano, lalo na matapos makatanggap ng aguinaldo ngayong Pasko.
Ayon kay financial expert Astro Del Castillo, mahalagang pag-isipan kung ang bibilhin ay pangangailangan o luho at kung may pangmatagalang pakinabang ito.
Payo ni Del Castillo, makabubuting itabi ang 40 porsiyento ng natanggap na cash gifts bilang ipon at ang natitira ay maaaring ilaan sa mga kinakailangang bilihin.
Dagdag niya, maaari lamang gumastos para sa luho kung may sapat nang ipon at emergency fund.
Para sa 2026, sinabi niyang mainam nang simulan ang bagong financial plan kung natupad na ang mga layunin ngayong taon.
-- ADVERTISEMENT --










