Tinapos na ng judge sa New Mexico ang kasong involuntary manslaughter case laban kay Hollywood actor Alec Baldwin.

Ito ay matapos na ibasura ni Judge Marlowe Sommer ang kaso sa kalagitnaan ng paglilitis at sinabing hindi na maaaring muling ihain ang kaso.

Ibinasura ni Sommer ang kaso ng may pagtatangi base sa misconduct ng mga pulis at prosecutors kaugnay sa pagpigil sa mga ebidensiya mula sa depensa sa pamamaril sa cinematographer na si Halyna Hutchins sa set ng pelikulang “Rust.”

Napaiyak si Baldwin at niyakap ang kanyang dalawang abogado, tumango sa harap ng korte at niyakap ang kanyang umiiyak na asawa na si Hilaria.

Umalis si Baldwin sakay ng SUV sa labas ng Santa Fe courthouse na hindi humarap sa media.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinunto ng depensa na itinago ng prosecutors ang mga ebidensiya mula sa kanila tungkol sa bala na maaaring may kaugnayan sa pamamaril sa set ng pelikula noong 2021.

Sinabi naman ng prosecution na hindi konektado ang nasabing bala sa kaso at hindi itinago.