Inihayag ni Hollywood actor Leonardo DiCaprio ang kanyang suporta sa Masungi Georeserve kasabay ng panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makialam at tumulong sa proteksion ng lugar.

Ito ay sa gitna ng commercial encroachment at ang plano na pagkansela ng kontrata nito sa pamahalaan.

Ang “Titanic” actor na kilala na tagapagtaguyod para sa kalikasan ay dinala sa kanyang Instagram ang pagbibigay niya ng education information tungkol sa Masungi.

Iginiit ni Di Caprio, ang protected area sa Tanay, Rizal ay nanganganib mula pagmimina, pagputol ng mga kahoy at maraming iba pa.

Sinabi ng aktor na ang Masungi ay isang malago na rainforest.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, noong 1990s, malaking bahagi ng Masungi ang nilapastangan.

Sinabi niya na nagtulungan ang local communities para sa pagpapaunlad muli ng Masungi sa pamamagitan ng Masungi Georeserve.

Ayon sa kanya, nanganganib na mawawala ang nasabing tagumpay dahil sa banta umano ng Department of Environment and Natural Resources na kanselahin ang kasunduan na nagbibigay proteksion sa lugar mula sa malawakang land-grabbing activities.

Binanggit ni Decarpio si Marcos sa paglalahad ng kanyang saloobin at iginiit na makakatulong ang Masungi sa sustainability ng bansa.

Bilang isang advocate ng kalikasan, itinatag ni DeCarpio noong 24 taong gulang pa lamang siya ang Leonardo DiCaprio Foundation (LDF) na ang layunin ay palaganapin ang awareness tungkol sa environmental issues at paglaban sa climate change.