Nakiisa na rin ang Hollywood actor na kilala din bilang isang environmental advocate na si Leonardo DiCaprio sa mga panawagan para protektahan ang Masungi Georeserve na nasa Rizal Province dito sa Pilipinas.

Sa ibinahaging post ng international star sa kaniyang instagram account ngayong araw ng Huwebes, isinalaysay nito na malaking bahagi ng Masungi ang nakalbo noong 90s at muling binuhay ng mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng conservation activities para protektahan ang naturang ecosystem.

Subalit sa ngayon ay nanganganib na mapawalang saysay ang tagumpay na ito ng local communities sa gitna ng nakaambang pagkansela ng Department of Environment and Natural Resources sa kasunduan na nagpoprotekta sa Masungi mula sa talamak na land grabbing activities o mga aktibidad ng pangangamkam ng lupa.

Iginiit ni DiCaprio na ang naturang kanselasyon ay makakahadlang sa tagumpay ng mga pagsisikap para sa konserbasyon na kinikilala ng buong mundo at iiwanan ang lugar na maging vulnerable ulit sa pagmimina, pagtrotroso at illegal developments sa lugar.

Kaugnay nito, nakikiisa si DiCarpio sa mga local ranger sa panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makialam at patuloy na protektahan ang Masungi Georeserve.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga tagumpay sa conservation gaya ng Masungi ay nagsisilbi aniyang paalala na ang Pilipinas ay nangunguna sa sustainability, eco-tourism, biodiverstiy ptotection at climate action.