
Bagama’t Holy Week na sa susunod na linggo ay nananatiling matumal ang dagsa ng mga pasahero sa ilang bus terminal sa Maynila, na posibleng dulot na rin ng mataas na presyo ng petrolyo.
Ayon sa dispatcher ng Florida Bus Terminal na si Edelmar Siazon, mas kaunti ang mga pasahero na sa ganitong panahon ngayon.
Sa kabila nito, maraming byahe raw nila sa gabi ang fully booked na hanggang ngayong darating na Linggo ng Palaspas.
Nilinaw naman ni Siazon na hindi sila nagtaas ng pamasahe at may mga nakahanda ring mga bus na dagdag sakaling dumagsa pa ang mga uuwi sa susunod na linggo.










