TUGUEGARAO CITY-Posible umano na mas matanda pa ang mga sinaunang uri ng tao na nabuhay sa Kalinga kaysa sa Homo luzonensis ng PeƱablanca,Cagayan.

Sinabi ni Lorraine Ngao-i,provincial tourism officer ng Kalinga na ito ay matapos na makahukay ng 67 na piraso ng human stone tools ang mga local at foreign archeologists sa Rizal,Kalinga.

Ayon kay Ngao-i, batay sa pagtaya ng mga archeologists,maaari umanong descendants ng mga sinauang uri ng tao sa Kalinga ang mga sinaunang uri tao sa Cagayan.

Batay sa pagtaya ng mga archeologists,posibleng ang mga stone tools ang ginamit nga mga sinaunang uri ng tao sa Kalinga sa pagkatay sa nahukay na fossils ng rhinoceros na nabuhay umano ng 709,000 years na ang nakakaraan kumpara sa Homo luzonensis na nabuhay ng 67,000 years ang nakakaraan.

Ito aniya ang dahilan kaya patuloy ang paghuhukay ng mga archeologists sa lugar sa pag-asang makahukay sila ng human fossils upang makumpirma ang kanilang ginagawang pag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Ngao-i,hanggang sa susunod na linggo ang gagawing paghuhukay sa Rizal,Kalinga

Kaugnay nito,bumisita kahapon sa archeological site si French Ambassador Nicolas Galey dahil ang nasabing excavation ay partnership ng France at Pilipinas.