Ipinagbawal ng North Korea ang pagkain ng hot dogs bilang bahagi ng paglaban sa impluwensiya ng mga kanluraning bansa.
Idineklara ng diktador na si Kim Jong Un na ang pagkain ng hot dog ay isang pagtataksil sa kanilang bansa, sa gitna ng tumataas na pagtangkilik ng pagkain mula sa South Korea na kinopya sa pagkain ng Estados Unidos.
Ang mga mahuhuli na magbebenta o magluluto ng hot dogs ay dadalhin sa labor camps.
Bukod dito, pinagbabawal din ang pagbebenta ng budae-jjigae, isang pagkain na inangkat mula sa kalapit na bansa na South Korea, na kaalyado ng mga kanluraning bansa.
Ang spicy Korean-Ameican hotspot, na ibig sabihin ay “army base stew,” ay may sangkap na hot dogs at spam.
Ito ay mula sa karne na ginagawang nilaga ng mga sundalo ng US na nakabase sa rehion noong panahon ng Korean War noong 1950s.
Pinaniniwalaan na nakapasok ang nasabing pagkain sa border patungong North Korea noong 2017, ilang dekada matapos na ito ay maibento sa South Korea.