Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na kasalukuyang isinasagawa ang hot pursuit operation laban sa mga posibleng responsable sa pamamaril na naganap malapit sa isang polling center sa Barangay Sagap, Bangued, Abra ngayong Lunes, kasabay ng halalan 2025.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kasalukuyan nang nagkakaroon ng hot pursuit operation upang tugisin ang mga maaaring nagpaputok.
Dakong alas-7 ng umaga nang marinig ang mga putok ng baril malapit sa Sagap Elementary School, na nagsilbing isa sa mga presinto sa lugar kung saan dalawang katao ang natamaan at agad na dinala sa pagamutan.
Inaasahang maglalabas ng karagdagang impormasyon ang mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.