Aprubado na ng konseho ng Tuguegarao City ang ordinansa na may layuning magtatag at bumuo ng COVID-19 Bayanihan helpline para sa mga nangangailangan ng patnubay hinggil sa COVID-19 at iba pang medical concerns.

Ayon kay City Councilor Atty. Reymund Guzman, hangad ng nasabing public hotline na sumagot sa mga katanungan ng mga residente ng lungsod kaugnay sa COVID-19 o mga nais magpakonsulta ng kanilang mga sakit.

Ang City Health Office ang magsisilbing communication hub, sa tulong ng Tuguegarao City Command Center, katuwang ang mga volunteers gaya ng mga duktor at hotline operators.

Bagamat sinimulan na ito sa CHO, subalit dahil sa kakulangan sa manpower o health personnel ay hindi ito naging operational 24/7.

Pagtitiyak ni Guzman na magiging pribado ang anumang impormasyon na ibabahagi ng pasyente sa helpline.

-- ADVERTISEMENT --

Ang office of the Mayor ay naatasang mag-isyu ng implementing rules and regulations ng COVID-19 Bayanihan helpline para sa agarang implementasyon nito.

Ang mga numero na maaaring tawagan ay 0936-881902 o 0936881308 at 0908-2407005.