Pasado na sa third at final reading sa kamara ang panukalang batas na nagbibigay sa mga piling pasyente na magkaroon ng access sa medical cannabis.

Sa sesyon kahapon, 177 na mambabatas ang bumoto pabor sa House Bill No. 10439 ang panukalang Access to Medical Cannabis Act, habang siyam na kongresista ang tumutol at siyam ang abstentions.

Kung magiging batas, malilikha ang Medical Cannabis Office (MCO) na magiging pangunahing regulatory body para sa medical cannabis na may adminstrative, regulatory, at monitoring functions.

Ang MCO ay isasailalim sa pangangasiwa ng Department of Health.

Ito ang titiyak na ang medical marijuana ay hindi maabuso at gagamitin lamang sa health purposes.

-- ADVERTISEMENT --