Labisang-isang mambabatas ang pinangalanan sa prosecution panel sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Inimpeach ng Kamara si Duterte kahapon, kung saan 215 representantives ang nag-endorso sa pang-apat na impeachment complaint laban sa kanya.

Kahapon din ay pinangalanan ang mga miyemro ng Kamara bilang prosecutors sa kaso na sina:

Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Batangas 2nd District
Romeo Acop, Antipolo City 2nd District
Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez, 1-Rider Party-list
Joel Chua, City of Manila 3rd District
Raul Angelo “Jil” Bongalon, Ako Bicol Party-list 
Loreto Acharon, General Santos City Lone District
Marcelo Libanan, 4Ps Party-list
Arnan Panaligan, Oriental Mindoro 1st District
Ysabel Maria Zamora, San Juan City Lone District 
Lorenz Defensor, Iloilo 3rd District
Jonathan Keith Flores, Bukidnon 2nd District

Kaugnay nito, sinabi ni Iloilo Rep. Defensor na walang kinalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa desisyon ng 215 Congressmen sa pag-endorso sa impeachment complaint.

-- ADVERTISEMENT --

Ang nasabing bilang ay doble sa 102 o one third ng House membership na kailangan para umusad ang impeachment.

Nanawagan din siya sa executive department na kilalanin ang hiwalay na kapangyarihan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Binigyang-diin ni Defensor na matatag ang impeachment complaint dahil sa maraming kongresista ang nag-endorso.

Isiniwalat din niya na makikipapulong ang House Prosecution Team sa liderato ng Kamara sa susunod na mga araw para talakayin ang mga stratehiya para sa impeachment trial.

Subalit, nag-adjourn ang Senado kahapon na hindi natalakay ang impeachment case, na ibig sabihin, magsisimula ang proseso sa buwan ng Hunyo, pagkatapos ng midterm elections.

Naniniwala si Defensor na maaaring magsagawa ang senado, bilang isang continuing body, ng impeachment trial kahit sila ay naka-recess.

Samantala, sinimulan na ng secretariats ng Senado at Kamara ang formal review sa impeachment complaint.

Kailangan ang pag-aaral sa reklamo bago maisama sa mga paksa sa plenaryo na mangyayari sa Hunyo dahil sa nagtapos na ang huling regular session ng Senado kahapon at muling magbabalik sa June 2.

Tiniyak ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. na aaralin ang bawat pahina ng reklamo.

Kaugnay nito, sinabi ni Senator Joel Villanueva, kailangan na talakayin sa regular session ang impeachment complaints at ang pagtatatag ng impeachment court.