
Pormal nang naghain nitong Lunes ng entry of appearance ang House prosecution panel sa Senado bilang impeachment court para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Personal na inihain ni House Secretary General Cheloy Garafil ang dokumento para sa 11 miyembro ng prosecution panel na pinili ng Kamara.
Itinalaga bilang lead public prosecutor si House Justice Committee chairperson Gerville Luistro.
Kabilang din sa prosecution panel sina Chel Diokno, Leila de Lima, at iba pang mambabatas mula sa Kamara.
Nauna nang nag-convene ang Senado bilang impeachment court kaugnay ng mga alegasyon laban kay Duterte kabilang ang culpable violation of the Constitution, graft and corruption, at betrayal of public trust.
Inatasan din ng impeachment court ang Bise Presidente na magsumite ng sagot sa loob ng 10 araw mula sa pagtanggap ng abiso.









