Pinag-aaralan ng House prosecution panel na i-drop ang bribery charge sa Article III ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, habang nakatuon sa mga alegasyong itinuturing nilang mas matibay.

Ayon kay House prosecution spokesperson Joel Chua, maaaring hindi na ituloy ang bribery article matapos ang susunod na linggo at tumutok na sa Article II na may kinalaman sa umano’y unexplained wealth, SALN at business interests ng bise presidente.

Target ng mga prosecutor na matapos ang presentasyon ng kanilang ebidensiya sa unang bahagi o kalagitnaan ng Oktubre, habang inaasahang matatapos naman ang depensa sa Nobyembre. Layunin nilang magkaroon ng desisyon ang Senate impeachment court bago matapos ang taon.

Iginiit ni Chua na hindi indikasyon ng kahinaan ang pag-drop sa isang article at binanggit ang 2012 impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona kung saan limang articles ang ini-drop ng prosecution.

-- ADVERTISEMENT --