Hinimok ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na isantabi ang ‘divisive politics’ at ituon ang kanilang lakas sa paggawa ng makabuluhang batas at serbisyong pampubliko.

Binigyang-diin ni Dy sa kanyang talumpati sa resumption ng plenary session noong Lunes ang kahalagahan ng pagkakaisa para sa layuning paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

Samantala, inanunsyo ni Dy ang paglulunsad ng “House Book” app, bahagi ng blockchain-enabled digital shift ng Kapulungan upang gawing mas transparent at accessible ang mga dokumento at proseso ng kongreso.

Aniya, layunin ng bagong sistema na tiyakin na bawat pisong inilaan para sa taumbayan ay nagagamit nang tama, sapat, at makatarungan, at palakasin ang mga hakbang laban sa korapsyon.

Bagama’t wala siyang binanggit na tuwirang pahayag tungkol sa dalawang verified impeachment complaints laban sa Pangulo, tiniyak ng Speaker ang pagpapatuloy ng masinsinang oversight sa national budget sa pamamagitan ng Joint Congressional Oversight Committee on Public Expenditures.

-- ADVERTISEMENT --