Sinabi ng Yemen-based Houthi group na inatake nito gamit ang ballistic missiles at drones ang isang pasilidad ng Aramco sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa grupo, isinagawa ang pag-atake bilang ganti sa mga pag-atake ng Saudi Arabia sa Sanaa at iba pang lalawigan sa Yemen.

Isang malaking usok at apoy ang nakita malapit sa isang Aramco facility sa Riyadh, ayon sa isang saksi.

Gayunman, wala pang agarang kumpirmasyon mula sa Saudi authorities na inatake ang pasilidad. Hindi rin agad naglabas ng pahayag ang Aramco.

Ang insidente ay naganap habang tumitindi ang labanan sa pagitan ng Saudi Arabia at Houthis, na nitong mga nakaraang panahon ay nagpapalakas ng mga pag-atake sa mga lungsod at energy infrastructure ng Saudi.

-- ADVERTISEMENT --

Noong nakaraang linggo, sinabi rin ng Houthis na inatake nila ang mga pasilidad ng Aramco sa Yanbu gamit ang missiles at drones.