TUGUEGARAO CITY-Dead-on-the-spot ang Human Resource Management Officer ng Local Government Unit (LGU) Flora, Apayao matapos barilin ng riding-in- tandem sa Brgy. Poblacion East Flora, Apayao.
Ayon kay Police Chief Master Sergeant Efren Pelayo ng PNP-Flora, pauwi na umano ang biktima na si Catherine Beltran Ortega, 57-anyos ,sakanilang tahanan mula sa opisina nang barilin ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.
Nagtamo ng isang tama ng calibre 45 na baril sa ulo ang biktima na dahilan ng kanyang kamatayan.
Batay sa salaysay ng asawa ng biktima sa kapulisan , wala naman umanong nakaalitan ang biktima bago ang pamamaril.
Dahil dito, blanko parin ang kapulisan sa motibo ng pamamaril sa biktima.
Nabatid na nakasuot ng helmet ang mga suspek nang mangyari ang insidente kung kaya’t hindi nakilala ang mga ito.
Sa ngayon,patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril para sa agarang pagkahuli ng mga suspek.