
Inihayag ni Baguio Mayor Benjamin Magalong na ang lugar kung saan nagpa-iwan si dating Public Works Undersecretary Maria Catalina Cabral malapit sa lugar ng rockfall netting project sa bahagi ng Kennon Road, ay magiging subject ng criminal complaint na ihahain ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Magalong naisumite na sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Public Works Secretary Vince Dizon ang full documentation tungkol sa mga iregularidad sa kalidad ng proyekto sa Kennon Raod at ang source ng rock netting devices.
Una rito, nagsumite ti Magalong ng detalyadong investigation report tungkol sa rock-netting projects kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagsagawa ng inpseksyon sa sinira ng bagyo na rockshed at rocknets noong August 24.
Nagsagawa ng mga inspeksyon si Magalong sa Kennon Road buhat noong 2020 dahil sa hinala niya na may mali sa rehabilitasyon sa nasabing proyekto.
Sinabi ni Magalong na posibleng may kaso na isasampa laban sa Baguio at Benguet Engineers na nangasiwa sa rock-net projects at maging sa contractor.
Ayon sa kanya, ang rock-net materials ng contractor ay mula sa kumpanya na pagmamay-ari ng kapatid na lalaki ni Benguet Rep. Eric Go Yap.
Matatandaan na idinawit kamakailan si Yap sa kickback scandal sa government projects at isinailalim sa freeze order ang lahat ng kanyang assets dahil sa reklamo tungkol sa maanomalyang mga proyekto sa La Union, na ginawa ng pagmamay-ari niya at kanyang kapatid.










