Out of service na ang pinakahuling major health facility sa northern Gaza na Kamal Adwan Hospital, ayon sa World Health Organization.
Sinabi ng military ng Israel na ang ospital ay naging kanlungan ng terrorist organizations nang magsimula ng mas maigting na operasyon ang Israeli forces sa northern Gaza noong Oktubre.
Ayon sa WHO, nasa 60 health workers at 25 pasyente ang nasa kritikal na kondisyon, kabilang ang mga nasa ventilator, na umano’y nananatili pa rin sa ospital.
Ang mga pasyenteng nasa moderate hanggang severe na kondisyon ay napilitang ilikas sa sira at non-functional na Indonesian Hospital.
Dahil dito ay muling ipinanawagan ng WHO ang ceasefire sa magkabilang panig.
Ang Kamal Adwan Hospital ay matatagpuan sa Beit Lahia, isang lungsod na nasa sentro ng matinding Israeli military operation.