Inaasahang papalitan o babaguhin ang mga libro sa buong mundo may kaugnayan sa human evolution sa pagkakadiskubre ng Homo Luzonensis sa Cagayan.

Sinabi ni Prof. Armand Salvador Mijares, UP scientist I ng Archaeological Studies Program na malaki ang epekto nito sa mga nilalaman ng libro dahil maidadagdag ito sa mga panibagong katanungan sa ebolusyon ng tao.

Sa ngayon ayon kay Mijares, nagasasagawa na ang mga siyentipiko ng pag-aaral upang makumpleto ang mga datos sa pamamagitan ng ancient protein na makikita sa nahukay na ngipin ng Homo Luzonensis tulad ng ginawa sa Homo erectus at sa iba pa.

Magiging dahilan din ng mga debate ang pagkakadiskubre sa Callao, Cagayan ng Homo Luzonensis lalo na sa kakahayan ng mga ito na gumawa ng mga bangka.

Kasabay nito, sinabi ni Mijares na binibigyan ito ng halaga ng mga siyentipiko sa buong mundo dahil sa maaring kasali ito sa una nang dalawang species na kinabibilangan ng Homo Erectus sa Indonesia at Homo Sapiens ng Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --

At dahil sa Homo Luzonensis ay magbibigay pa ito ng mas komplikadong ugnayan sa Human Evolution.

Matatandaan na nadiskubre ang ilang buto ng Homo Luzonensis nito lamang nakaraang buwan kung saan tinatayang nabuhay 67,000 na taon na ang nakakalipas.