TUGUEGARAO CITY- Nababahala ang isang human rights group sa posibleng pagpapalaya kay Ret.Major General Jovito Palparan.

Ito ay matapos na umapela si dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na palayain na si Palparan na hinatulan ng life imprisonment dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno , mga estudyante ng University of the Philippines noong 2006.

Binigyan diin ni Kristina Palabay, secretary general ng KARAPATAN na dapat na bantayan ito ng mga mamamayan tulad sa pagbantay sa kaso ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez upang hindi makalaya si Palparan.

Sa inilabas na video ng interview ni Uson, sinabi niya dapat na palayain na si Palparan dahil sa naniniwala siyang kaya nitong tapusin ang problema sa New People’s Army.