Photo credit to KPPO

Tuguegarao City- Tinatayang aabot sa humigit kumulang P720k na fully grown marijuana ang muling sinira ng mga otoridad sa bahagi ng Brgy. Lacnog, Tabuk City, Kalinga.

Sinabi ni PCOL Davy Vicente Limmong, Direktor ng Kalinga PNP, nasa maHigit 3,600 fully grown marijuana ang kanilang binunot at sinunog mula sa dalawang plantation site na tinatayang nasa 300sqm.

Aniya, ang operasyon ay dahil na rin sa patuloy na monitoring ng pulisya at magandang koordinasyon sa mga residenteng nagbibigay alam sa mga otoridad.

Wala namang nadatlang cultivators ang mga otoridad ngunit tiniyak ni Limmong na may mga nag-aalaga ng marijuana sa lugar dahil nililinisan ang naturang taniman.

-- ADVERTISEMENT --
Photo credit to KPPO

Paliwanag ni PCOL Limmong, patuloy na minomonitor ng kanilang hanay ang mga plantation sites na una ng pinagdausan ng mga operasyon upang matiyak na wala ng magtatanim ng marijuana.

Gayonman, nakaalerto din ang kanilang hanay upang tuklasin pa ang iba pang mga plantation sites sa Kalinga at maging ang mga cultivators na dapat mapanagot sa batas.