TUGEUGARAO CITY-Hindi na umano aasahan na magkakaroon ng indpendent senate ngayon.
Sinabi ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano na ito ay dahil halos lahat ng mga bagong nanalo at mga dati nang nakaupong mga senador ay kaalyado ng administrasyon.
Nakakalungkot aniya dahil sa mawawalan na ng boses ang oposisyon sa senado na pupuna sa mga maling patakaran o pagmamalabis ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, sinabi niya na magtitiis umano ang mga mamamamayan ng tatlo hanggang anim na taon.
-- ADVERTISEMENT --
Kasabay nito, sinabi ni Alejano na umaasa siyang mga mag-iingay para kontrahin ang mga maling ginagawa ng administrasyon.