May nakitang magkakaibang uri ng droga sa katawan ni pop star Liam Payne nang mahulog siya sa ikatlong palapag ng balkonahe ng isang hotel sa Buenos Aires, Argentina, kabilang ang crack cocaine at methamphetamine.
Ito ay batay sa initial toxicology result sa isinagawang pagsusuri sa dating miyembro ng One Direction.
Ayon sa news media reports, isang cocktail ng droga na tinatawag na “pink cocaine”, na naglalaman ng methamphetamine, ketamine and MDMA ang nakita sa partial autopsy sa singer.
Kabilang din sa nakita ng mga nagsagawa ng pagsusuri ay ang crack cocaine at benzodiazepine.
Ayon pa sa report, may nakita rin na improvised aluminum pipe para sa paggamit ng droga ang nakita sa hotel room ni Payne.
sa Post-mortem results, mag-isa umano si Payne nang mangyari ang pagkahulog niya sa balkonahe.
Nakausap na rin ng mga opisyal ang empleyado ng hotel na pinaghinalaan na nagbigay ng mga droga kay Payne noong araw ng siya ay mamatay, subalit hindi siya inatesto o sinampahan ng kaso.