CTTO

TUGUEGARAO CITY-Panahon na para patigilin ng pamahalaan ang mining company na OceanaGold Philippines Inc.na nagsasagawa ng pagmimina sa Brgy Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Father Vic Tiam, Chairman ng Alyansa ng Novo Vizcayano para sa Kalikasan, ito’y dahil marami na ang naapektuhan lalo na ang mga residente sa nasabing lugar dahil sa isinasagawang pagmimina.

Aniya, umaabot na umano sa 100 bilyong piso na halaga ng ginto, copper at marami pang iba ang namina ng nasabing dayuhang dambuhalang minahan.

Sobra-sobra na aniya ito kung kaya’t dapat na itong ipatigil bago pa tuluyang mawasak ang likas na kayamanan ng lugar.

Tinig ni Father Vic Tiam

Samantala, sinabi ni Tiam na isang petisyon ang kanilang ginawa kasama ang Kalikasan People’s Network for the Environment para hilingin kay pangulong Rodrigo Duterte at sa mga kaukulang government agency na huwag nang i-renew ang Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) ng nasabing mining company.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, huwag nang ituloy ang pagmimina dahil marami na umanong violations sa environment laws ang nasabing kumpanya na mas lalong nakakasira sa kalikasan.