Magkakaroon ng human chain protest ang iba’t ibang grupo na nasa sektor ng agrikultura sa harap ng tanggapan ng Department of Agiculture bukas bilang bahagi ng paunang aktibidad bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.
Sinabi ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas na layunin ng kanilang hakbang na ilahad sa DA ang tunay na kalagayan ng food security frontliners na hanggang ngayon ay naghihikahos pa rin dahil sa kulang na mga programa at tulong mula sa pamahalaan sa sektor ng agrikultura.
Bukod dito, sinabi ni Estavillo na ipapanawagan din nila sa DA na dalhin sa mga palengke ang P29 per kilo ng bigas at hindi limitado lamang sa Kadiwa centers upang mas maraming mamamayan ang makakabili ng murang bigas.
Sinabi pa ni Estavillo na magsasagawa sila ng State os the Peasant Address sa July 20 kasama ang mga magsasaka, mga mangingisda at iba pang grupo upang ihayag ang mga probolema ng mga magsasaka at ang nais nilang marinig nilang marinig sa SONA ni Marcos.