CTTO

TUGUEGARAO CITY-Malaki ang naging papel ng yumaong dating secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Gina Lopez lalo na sa usapin ng pagmimina sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay Father Vic Tiam, chairman ng Alyansa ng Novo Vizcayano para sa Kalikasan, nagkaroon ng lakas ng loob ang mga mamamayan ng Nueva Vizcaya na tumayo at humarap para sa kalikasana dahil sa ipinakitang suporta ni Lopez.

Aniya, pinangunahan nang pumanaw na si Lopez ang pagtutol at pagsusulong para maipasara ang mining company na Oceanagold Philippines Inc. na hanggang sa ngayon ay nanatiling nag-ooperate sa lugar.

Ikinalungkot ni Father Tiam ang pagpanaw ni Lopez.

Kaugnay nito, nanawagan si Father Tiam sa publiko lalo na sa mga kabataan na tularan si Lopez na tumayo para sa kalikasan at para sa kinabukasan ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Father Vic Tiam

Samantala,sinabi naman ng grupong Kalikasan People’s Network for the Environment na nawalan ng tunay na kampeon ng kalikasan ang mamamayan ng bansa sa pagpanaw ni Lopez.

Ayon kay Leon Dulce, National Coordinator ng Kalikasan People’s Network for the Environment, tunay na ipinakita ni Lopez ang pagmamahal sa mamamayan lalo na sa mga katutubo dahil sa pagtanggol sa kalikasan laban sa mga nagnanais sumira sa mga ito.

Ipinakita ni Lopez na maaring gamitin ang political will para ipasara ang mga ilang naglalakihang minahan na nakakasira kalikasan.

Aniya, bagamat bigong makumpirma si Lopez sa Commission on Appointments noong 2017 bilang kalihim ng DENR, ipinagpatuloy parin nito ang kanyang adhikain na ipagtanggol ang kalikasan kontra sa tuluyang pagkasira nito.

Tinig ni Leon Dulce