Pinaghahandaan na ng pamahalaang panlalawigan ng Kalinga na magsisilbing punong abala sa pagdiriwang ng ika 32nd -Cordillera Month sa Hulyo.
Aarangkada ang pagdiriwang sa pamamagitan ng gong relay sa ibat ibang bayan at siyudad sa rehiyong cordillera sa Hulyo-8 sa Kalinga capitol ground.
Pagkatapos ay dadalhin ito sa lalawigan ng Apayao patungong Abra, Baguio city, Benguet, Mt. Province, Ifugao at ibabalik sa lungsod ng Tabuk sa Hulyo 14.
Inaasahan ang makulay na pagsalubong sa mga delegado sa pamamagitan ng isang fellowship night kung saan itatampok dito ang mga kasuotan ng cordillera na lalahukan ng mga models at beauties ng cordillera
Magiging highlight para sa culminating program sa Hulyo 15 ang parade at ceremonial tree planting sa Capitol grounds, mga programa sa Kalinga sports center, State of the Region Address at ang pagpapatunog ng gong.
Bukod dito, magsasagawa rin ng audio visual presentation sa mga development sa infra project sa rehiyong cordillera kung saan magiging co-host ang Infrastructure Committee ng regional Development Council.
Tampok rin ang agro-industrial fair sa Capitol grounds kung saan ipapakita dito ang ibat ibang produkto ng Kalinga gaya ng mga weaved products at souvenir items at ang ipinagmamalaking brewed coffee.
Itinatag ang Cordillera Administrative Region (CAR) noong July 15, 1987 sa pamamagitan ng Executive Order 220 na pinirmahan ni dating President Corazon Aquino.