Binigyan diin ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya na dapat nang umaksion ang pamahalaan kaugnay sa ibinunyag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ginamitan ng Chinese fishermen ng cyanide ang Bajo de Masinloc upang maitaboy sa lugar ang mga mangingisdang Pinoy.
Kasabay nito, pinuri ni Fernando Hicap, chairperson ng nasabing grupo ang BFAR dahil sa nagsalita na ito tungkol sa ginagawang pagsalaula ng mga Chinese fishermen sa yamang dagat ng ating bansa.
Gayonman, sinabi niya na hindi sapat ang salita lamang sa halip ay kailangan ng political will upang matigil na ang ginagawa ng China na panggigipit sa ating mga mangingisda.
Ipinaliwanag ni Hicap na hindi na hindi na maibabalik ang mga masisira na mga bahura na tirahan ng mga isda kung patuloy ang paggamit ng cyanide at ang higit na maapektohan ay ang mga mangingisda ng bansa dahil sa posibleng wala na silang mahuhuli na mga isda.