Iminungkahi ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang mahigpit na implementasyon ng Anti-Hazing Act of 2018.
Tugon ito ni IBP President Atty Egon Cayosa sa panawagang gawing “heinous crime” o ituring na karumal-dumal na krimen ang hazing kasunod ng pagkamatay ng kadete ng Philippine Military Academy na si Darwin Dormitorio.
Paliwanag ni Atty Cayosa, walang silbi na itaas ang parusa laban sa mga sangkot sa hazing kung hindi naman ito naipatutupad ng mahigpit.
Kasabay nito, nanawagan si Atty. Cayosa sa kongreso at Supreme Court ng pagkakaroon ng reporma sa criminal justice system sa Pilipinas.
Aniya, natatakasan ng mga kriminal ang kanilang mga nagawang paglabag sa batas dahil sa mabagal na justice system sa bansa.
-- ADVERTISEMENT --