Hinikayat ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Cagayan Chapter ang mga residente sa bayan ng Allacapan, Lasam at Ballesteros na samantalahin ang libreng serbisyo at pagpapayong legal na ipagkakaloob ngayong araw sa Allacapan Gymnasium.
Ayon kay Atty Ramses Peralta, presidente ng IBP-Cagayan Chapater na magsisimula ang “Abogado Cagayano Free Mobile Legal Services” sa ganap na alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali.
Tiniyak naman ni Peralta na tutugunan ng mga miyembro ng IBP ang anumang suliraning legal na isasangguni sa kanila kalakip ng mga dokumentong ipi-prisinta.
Libre din ang notarization ng mga papeles at legal documents.
Bukod dito, isasailalim din sa re-orientation seminar sa mga lupon ng Barangay kaugnay sa Katarungang Pambarangay Law at pag-isyu ng Barangaya Protection Order (BPO) alinsunod sa Republic Act No. 9262 o “Anti-Violence Against Women and their children (VAWC).
Nabatid na napag-kasunduan ng IBP-Cagayan Chapter na magkakaloob ng libreng serbisyo at pagpapayong legal sa mga bayan sa Cagayan kada ikatlong linggo ng bawat buwan.