TUGUEGARAO CITY-Ikinatuwa ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)ang pagpapatupad ng panukalang paggamit ng body camera sa mga miembro ng kapulisan bansa.
Ayon kay Atty. Domingo Egon CAyosa, Presidente ng IBP, malaking tulong ang mga body camera lalo na sa mga pulis na magsisilbi ng warrant of arrest at search warrant.
Magsisilbi rin aniyang ebidensya ang video footage at bilang proteksyon na rin sa mga pulis na naakusahang nang-aabuso sa mga operasyon maging sa mga suspek na nalalabag ang kanilang karapatang pantao.
Sinabi ni CAyosa na kasalukuyan ng hinihintay ang ilalabas na guidelines mula sa supreme court bago tuluyang ipagamit ang mga body camera sa mga miembro ng PNP.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni CAyosa ang bagong PNP Chief na si Gen. Guillermo Eleazar dahil sa unti-unting pagsasakatuparan sa matagal ng ipinanukala ng IBP na paggamit ng body camera sa mga pulis.