Tuguegarao City- Nababahala ang Integrated Bar of the Philippines sa diskriminasyon na nararanasan ng mga health workers at iba pang frontliners na tumutulong sa paglaban sa covid-19.

Sinabi ni Atty. Domingo Cayosa, national president ng IBP paglabag sa karapatang pantao ang ginagawang pananakit, pagpapaalis sa boarding house, di pinapayagang makasakay at pagtanggi ng mga hospital sa mga medical frontliners kung sila ang magpapakonsulta.

Aniya, hindi dapat na makaranas ng diskriminasyon ang mga frontliners dahil sila ang pangunahing tumutulong para maiwasan ang pagkalat pa ng covid-19.

Paliwanag nito, bagamat kailangang sumunod sa mga ipinatutupad na precautionary measures ay kailangan pa ring sumunod sa batas partikular sa Magna Carta of Patients Rights and Obligations, Magna Carta of Public Health Workers, at iba pang batas.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak naman ni Atty. Cayosa na handa nilang ipaglaban at depensahan ang karapatan ng mga frontliners laban sa discriminasyong nararanasan ng mga ito.

ang tinig ni Atty.Cayosa