TUGUEGARAO CITY- Nagpupugay ang Integrated Bar of the Philippines sa mga nagawa ng yumaong dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel para sa bansa.

Sinabi ni Atty. Egon Cayosa, presidente IBP na maraming nagawa si Pimentel sa pagsusulong ng rule of law, karapatang pantao, good governance at bilang isang pulitiko.

Ayon kay Cayosa, na maraming beses na rin niyang nakasama si Pimentel sa mga pagdinig sa senado at sa mga pulong ng consultative committee na nag-aral sa pagbabago sa 1987 constituion para sa Federalism at sa iba panmg aktibidad na may kaugnayan sa usaping legal.

Sinabi niya na very passionate si Pimentel sa kanyang mga pananaw sa mga issues kaya naman nagpapahayag din siya ng pagkadismaya sa mabagal na pagbabago sa ating bansa.

si Atty. Cayosa

Kaugnay nito, sinabi ni Cayosa na nakikipag-ugnayan na ang IBP sa pamilya ni Pimentel para sa protocols sa gagawing tribute para kay Pimentel.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kantya, magkakaroon sila ng necrological service para kay Pimentel tulad nang ginawa sa yumaong si dating Senate President Edgardo Angara.

Sina Pimentel at Angara ay kapwa miembro ng IBP noong sila ay nabubuhay pa.