Tuguegarao City- Umapela ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa mga mambabatas na muling ireview ang isinusulong na anti-terrorism bill sa bansa.

Ito ay sa gitna ng pagtutol ng maraming grupo o organisasyon sa panukala dahil sa maaari umanong maging epekto nito sa karapatang pantao sakaling maisabatas.

Sa panayam kay Atty. Egon Cayosa, IBP President, nakatakda silang magbigay ng sulat upang hikayatin ang mga mambabatas sa kongreso, senado at sa iba pang hanay na pag-aralan itong mabuti.

Paliwanag ni Atty. Cayosa na mayroon umanong ilang probisyon sa panukala na contradict sa konstitusyon.

Kaugnay nito ay sinabi pa niya na kung hindi pag-aaralang mabuti at hindi maitutugma ay mawawalan din ito ng bisa.

-- ADVERTISEMENT --

Giit pa niya, sayang lamang ang mga panahon na gugugulin sa mga pagdinig kung hindi itatama ang magiging proceso ng pagkakapasa nito.

Sinabi pa ni Atty. Cayosa na kung maaprubahan din ito bilang batas ay maaari ng gamitin ng isang mapang-abusong opisyal laban sa mga nais magpahayag ng saloobin o manunuligsa.

Sa ngayon ay patuloy aniya nilang pinag-aaralan ang nasabing panukala upang makapaghain pa ng magandang mga rekomensasyon.