TUGUEGARAO CITY-Magsasagawa umano ng double check ang Integrated Bar of the philippines sa pagbawi ng Kalayaan Palawan Farmers and Fisherfolk Association kaugnay sa inihain nilang petisyon para sa Writ Of Kalikasan sa Supreme Court.
Sinabi ni Atty.Domingo Cayosa,presidente ng IBP na kakausapin muli nila ang mga naghain ng petisyon upang malaman kung kusang loob ang kanilang pagbawi sa petisyon.
Ayon kay Cayosa,nakasaad sa inihaing affidavit ng mga nasabing mangingisda na isinumite ng Office of the Solicitor General sa SC na hindi umano nila alam na ang Writ of Kalikasan ay kaso laban sa ilang ahensiya ng gobyerno.
Kasabay nito,sinabi ni Cayosa na kung totoo man ang naging hakbang ng mga naghain ng petisyon ay wala silang magagawa.
Subalit, sinabi niya na pwede pa namang maghain muli ng kaso kung may maninindigan na sila ay agrabyado dahil sa kawalan ng proteksion ng pamahalaan sa mga teritoryo at mga yamang dagat ng ating ban
Idinagdag pa ni Cayosa na maaaring binawi ng mga petitioners ang kanilang naunang sinumpaang salaysay matapos silang kausapin ng Phil. Navy.
Gayonman,nilinaw niya na wala naman silang sapat na basehan dito.
Kasabay nito, iginiit ni Cayosa na dapat na mapanagot ang mga Chinese na kumuha ng malalaking clams at sumira sa coral reefs sa mga karagatang sakop ng ating bansa.
Ayon sa kanya, napatunayan sa internationl court ang ginawa ng mga nasabing intsik subalit hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakasuhan.
Ang Writ of Kalikasan ayon kay Cayosa ay isang petisyon na humihiling sa Supereme Court na atasan ang mga kaukulang ahensiya tulad ng Philippine Navy,Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at iba pa protektahan ang mga isla at mga yamang dagat ng bansa at nasa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas mula sa pagkasira.