Sinuspinde ng Bar Standards Board (BSB) ng United Kingdom si International Criminal Court (ICC) Chief Prosecutor Karim Khan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyon ng sexual misconduct laban sa kanya.

Ayon sa BSB, agad na ipinatupad ang pansamantalang suspensyon at isasailalim ito sa pagdinig ng Interim Suspension Panel sa loob ng susunod na apat na linggo.

Nauna nang sinuspinde ng ICC si Khan noong Hunyo 8 kaugnay ng parehong mga alegasyon.

Mariing itinanggi ni Khan, 56 anyos, ang mga paratang na ibinabato laban sa kanya.