
Iniutos ng Trial Chamber III ng International Criminal Court (ICC) sa mga tagausig na alisin ang Incident 57 sa trial brief at listahan ng mga ebidensya sa kasong crimes against humanity of murder laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa desisyong inilabas noong Oktubre 9, sinabi ng kamara na lampas sa itinakdang panahon ng mga kumpirmadong kaso ang insidente, na sumasaklaw lamang sa mga umano’y krimeng naganap mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2017.
Bagama’t pasok ang Incident 57 sa saklaw ng lugar at uri ng krimeng sinusuri, hindi ito maaaring isama dahil lumalampas ito sa itinakdang panahon ng kaso.
Inatasan ang prosekusyon na i-update ang trial brief at listahan ng mga saksi at ebidensya bago o pagsapit ng Oktubre 16.




