Inihayag ni reelected Senator Ronald “Bato” dela Rosa na nasa bansa ang mga imbestigador mula sa International Criminal Court (ICC) para pilitin umano ang mga dating mga opisyal ng Philippine National Police na gumawa ng kanilang affidavit laban sa kanya at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Isiwalat ito ni Dela Rosa, na nagsilbing PNP chief sa panahon ng implementasyon ng war on drugs, kasabay ng kanyang pagkuwestion sa sinseridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pahayag na bukas siya para sa reconciliation sa pamilya Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, tumutuloy umano ang mga nasabing imbestigador ng ICC sa mga hotel sa Pasay at tinatakot ang mga retiradong pulis na pinipilit na pumirma ng affidavit para idiin siya at ni Duerte, kung hindi sila ang madidiin.
Kasabay nito, sinabi ni Dela Rosa na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa nasabing usapin, upang malaman ang mga sangkot dito na mga Pilipino na taksil umano sa soberenya ng bansa.