Ipinagpaliban ng International Criminal Court (ICC) ang nakatakdang pagdinig sa Setyembre 23 para sa kumpirmasyon ng mga kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa ICC, nagpasya ang Pre-Trial Chamber I na ipagpaliban muna ang proseso matapos ihain ng kampo ni Duterte ang pahayag na hindi umano siya nasa kundisyong pisikal at mental upang harapin ang paglilitis.
Kabilang sa mga isinasaalang-alang ng hukuman ang kahilingan ng depensa para sa isang walang takdang pagpapaliban ng pagdinig.
Dahil dito, minarapat ng mayorya ng mga hukom na bigyan ng sapat na panahon ang korte upang suriin ang nasabing kahilingan at ang iba pang kaugnay na usapin.
Nabanggit din ng ICC na magtatalaga lamang ng bagong petsa ng pagdinig kung kinakailangan at matapos maresolba ang mga natitirang usapin na may kinalaman sa kaso.
Samantala, patuloy ang pagtanggap ng korte ng mga aplikasyon ng mga biktima na nais lumahok sa mga pagdinig.
Lumabas din ang ulat na posibleng maging saksi sa ICC si Royina Garma, ayon sa pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.